Lumaktaw sa pangunahing content

Adyenda


Adyenda- listahan, plano, o balangkas ng mga pag-uusapan,dedisyunan o gagawin sa isang pulong. Ito ay kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa indibwal. Ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat aksyunan o bigyan prayoridad tulad ng sosyo-ekonomiko ng Adyenda sa Pilipinas. 

Kahalagahan: 

1. Katuturan at kaayusan ng daloy ng pulong. 
2. Nalalaman din ang pag-uusapan at isyu. 
3. Nabibigyan ng pagkakataon tantyahin ang oras. 
4. Naiiwasan ang pagtalakay ng usaping wala sa adyenda. 

Mga Hakbang sa Pagsulat:
·         Magpadala ng isang memo na magkakaroon ng isang pulong sa tiyak na paksa.
·         Ilahad sa memo na kailangan nilang kumpirmahin kung sila’y dadalo at magpadala ng paksang nais bigyang pansin.
·         Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag lahat ng adyenda ay nalikom na. Ilagay sa talahanayan kasama ang taong tatalakay.
·         Ipadala ang sipi sa mga taong dadalo,dalawa o isang araw bago ang pulong huwag kalimutan kung kailan at saan.
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda
·         Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
·         Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa.
·         Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung kinakailangan. Sundin ang itinakdang oras sa pagtalakay ng paksa.
·         Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda. Maglagay ng palugit o sobrang oras.
·         Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama sa adyenda.




Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Halimbawa ng Abstrak

            KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK                                                        Abstrak        Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos,...

Abstrak

ABSTRAK Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat. Ayon kay Philip Koopman (1997) , bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon. Nilalaman nito: ·          Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at Suliranin ng Pag-aaral ·          Saklaw at Delimitasyon ·          Resulta at Konklusyon Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak ·          L...

Halimbawa ng Buod

BUOD: INSIDE OUT           Isang batang babae na pinangalanan Riley nagmula sa kanyang Midwestern na pamumuhay at gumagalaw sa abala at gulo sa San Francisco, ang kanyang mga damdamin; Galit, kalungkutan, pagkasuya, Takot, at (ang kanyang pinakamahalagang damdamin) Ang pagiging masaya, magsimula sa hindi pagsang-ayon sa kung paano harapin ang pagbabagong ito, na nagiging sanhi ng mga problema sa kulungan, at ang kanyang centro ng pamumuhay at kinaabaalahan para sa limang emosyon.         Si Riley, isang batang babae, at nasanay na sa buhay mula sa kanyang buhay sa Midwest nang kanyang ama at nakakakuha ng trabaho sa San Francisco. Kailangan niya ang kanyang emosyon upang gabayan siya sa pamamagitan ng kanyang pagpasok sa   bagong paaralan, mga bagong tao, at bagong buhay. Ngunit, ang isang aksidente na kinasasangkutan ng maligayang mga alaala ni Riley ay nagbabago sa kanyang buong pananaw. Kinakailangan...