BUOD: INSIDE OUT
Isang
batang babae na pinangalanan Riley nagmula sa kanyang Midwestern na pamumuhay
at gumagalaw sa abala at gulo sa San Francisco, ang kanyang mga damdamin;
Galit, kalungkutan, pagkasuya, Takot, at (ang kanyang pinakamahalagang
damdamin) Ang pagiging masaya, magsimula sa hindi pagsang-ayon sa kung paano
harapin ang pagbabagong ito, na nagiging sanhi ng mga problema sa kulungan, at
ang kanyang centro ng pamumuhay at kinaabaalahan para sa limang emosyon.
Si Riley, isang
batang babae, at nasanay na sa buhay mula sa kanyang buhay sa Midwest nang
kanyang ama at nakakakuha ng trabaho sa San Francisco. Kailangan niya ang
kanyang emosyon upang gabayan siya sa pamamagitan ng kanyang pagpasok sa bagong paaralan, mga bagong tao, at bagong
buhay. Ngunit, ang isang aksidente na kinasasangkutan ng maligayang mga alaala
ni Riley ay nagbabago sa kanyang buong pananaw. Kinakailangan niya si Joy at
Sadness upang mahanap ang kanyang mga alaala at ibalik ang mga ito mula sa Kulungan
bago ito huli. Si Riley ay humantong sa isang magandang buhay, sa kanyang
mapagmahal na mga magulang, pakikilahok sa hockey at pag-ibig para sa
Minnesota, ang kanyang estado sa tahanan, sa tulong ng kanyang damdamin;
kagalakan, takot, kalungkutan, pagkasira, at galit. Ngunit noong siya ay
lumipat sa San Fransisco, nawala ang kagalakan at kalungkutan, na nagsisimbolo
sa kanyang kahirapan sa pagtanggap ng kanyang bagong buhay. Ang kagalakan kalungkutan ay nagpapatuloy upang makauwi at
i-ligtas si Riley.
Lahat tayo ay may iba't ibang mga function sa utak na namamahala sa aming tugon sa iba't ibang mga sitwasyon. Ang mga tungkulin na responsable para sa Kaligayahan, Kalungkutan, Takot, Galit at Kasuklam-suklam ay nailalarawan at ang mga detalye ng mga gawain na ginagawa nila upang patakbuhin ang buhay ng isang batang babae na si Riley mula mismo sa kanyang kapanganakan ay kung ano ang nag-uudyok sa kaniyang kuwento. Kapag ang isang biglaang pagbabago sa buhay o si Riley ay sumisira sa kanilang ritmo, sinusubukan nilang kontrolin ang sitwasyon ng labis, na lumilikha ng higit pang pagkalito para kay Riley. Sa huli naging maayos na ang buhay ni riley at bumalik na ang kanyang sigla at namuhay sila ng kanilang pamilya ng magkasama-sama.
BUOD: ANAK
Ang Istorya ay tungkol kay Josie, isang
ina nagtatrabaho sa Hongkong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang
makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan, ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinakabukasan ang
kanyang mga anak, na malayo sa kanya, tiniis niya ang pag mamaltrati ng kanyang
amo at kanyang kagustuhang makasama ang kanyang mga anak. Makalipas ng ilang
taon at nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa
Hongkong at siya ay magnenegosyo na lamang. Si Daday ang kanyang bunsong anak
na hindi siya kilala, Si Michael na mahiyain at walang imik at si Carla, na
hindi siya ginagalang at hindi siya ginagalang at hindi iniintindi ang kanyang
ina. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensyon ng mga
anak at sa mga araw na nagdaan ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita
niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo,
panlalalake, at paglalalag ng bata. At Marami pang problema ang kanyang
kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino
sa kanyang mga anak, iniwan siya ng isa mga kasosyo niya dahil nagastos nito
ang perang ibabahagi sana niya. Si Josie ay nagkaroon ng pagkukulang sa kanyang
anak ngunit sa mga alitang nangyari naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni
Josie sa kanila bagama’t malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring
iyon ay bumalik ang loob ni Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang
anak at nakakatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa
muling pag-alis ng ina.
BUOD:
BARCELONA A LOVE UNTOLD
Si Ely (Daniel Padilla) ay nasa
Barcelona nagpapakadalubha sa Arkitektura, at kumakayod upang bilang waiter,
tour guide at assistant photographer, habang pilit na hinihilom ang pusong sawi
sa pag-ibig. Makilala niya rito si Mia (Kathryn Bernardo) na malaki ang
pagkakahawig sa babaeng dahilan sa kaniyang kasawian. Baguhan si Mia sa
Barcelona, magkakaroon ito ng matinding problema at mangangailangan ng trabaho,
Tutulungan siya ni Ely subalit lagi siyang pumapalpak at nagkakaproblema sa mga pinapasukan. Palibhasa pala’y anak
mayaman si Mia. Nakatakas lamang nang saglit si Mia sa kanyang ama kung kaya’t
nagpakalayo-layo sa Barcelona. Unti-unting napapalagay ang loob ni Ely kay Mia
ngunit hindi tiyak kung handa na siyang magmahal muli. May puwang ba ang
kanilang pag-iibigan sa buhay na pilit nilang tinatakasan?
Nakapaligid sa kwento nina Ely at Mia ang
kanyang kanyang kwentong-pamilya sampu ng kanilang ilang mga kaibigan at
kaanak. Pagkat sa Barcelona ang tagpuan ng kwento, hindi rin maiiwasan na
masalin ang mga isyung kinakaharap ng mga kababayan nating OFW nasa paghahanap
ng magandang kapalaran sa ibang bansa ay namumulat sa katotohanan na hindi pala
ito magiging madali.
Bagama’t
nagkaroon naman ng relasyon ang lahat, saying pa rin sapagkat napayabong pa
sana ang bawat isa sa mga kuwentong pag-ibig nina Ely at Mia. Kung tutuusin
kasi ang totoong mabigat na kwento ay yung mga sugat ni Ely na hindi pa
naghihilom, hindi ang pagpapausbong pa lamang nilang romansa ni Mia ay
nag-anyong mababaw din sa gitna ng lawak ng sakop ng suliranin ng OFW’s
Alamat ng lahi
TumugonBurahinAlamat ng lahi
BurahinTama pu b Ang inyong mga sinsbi
TumugonBurahinAng pulo ng mindanao
TumugonBurahinEwan
Burahinalamat ng Lihim ng Tagumpay
TumugonBurahinhxt nkkpag0d mabohai >_<
TumugonBurahinomsim
BurahinThank you po
TumugonBurahinMaaari po ba kayong gumawa ng buod patungkol sa panood na MMK "ORASAN"???
TumugonBurahin