ABSTRAK
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat
ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal
lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon
na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng
boung akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang
abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng
sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon.
Nilalaman
nito:
·
Rationale- Nakapaloob dito ang Layunin at
Suliranin ng Pag-aaral
·
Saklaw at Delimitasyon
·
Resulta at Konklusyon
Mga
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
·
Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay
rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi maaring
maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o
sulatin.
·
Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba
ito.
·
Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa
pagsulat ng abstrak
·
Dapat ito ay naka dobleng espasyo
·
Gumamit ng mga malinaw at direktang mga
pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
·
Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang
ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
·
Higit sa Lahat ay gawin itong maikli ngunit
komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang
Ano ang mga hiram na ginamit sa teksto
TumugonBurahinThank you
TumugonBurahin