Lumaktaw sa pangunahing content

Buod at Sentesis


BUOD AT SENTESIS

Buod- Ito ay pinaikling bersiyon ng isang akda at hindi nangangailangan ng marami at iba’t ibang batis, karagdagang ideya, opinyon at tesis .
Sentesis- Malaman at pinaikling bersiyon ng iba’t ibang batis ng kaalaman at impormasyon. Ang Sentesis ay hindi lamang paglalagom ng mahahalagang ideya bagkus ito ay nagbibigay din ng pagtatasa ng isang ideya na sinulat ng dalawang magkaibang may-akda.
Bakit ito Mahalaga:
·         Upang higit na maunawaan ang kahulugan ng binasa o pinakinggang panayam o sulatin.
·         Upang mas higit na organisado
·         Isang teknik upang mas mapadali ang pagrebyu.

Gaano Kahaba:
·         Hindi maaring mas mahaba ang isusulat na buod kaysa sa material na pinagkunan nito.

Hakbang sa Pagsulat:
1.    Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito.
2.    Habang nagbabasa, magtala at kung maari ay magbalangkas
3.    Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinusulat.
4.    Ihanay ang ideya ayon sa orihinal.
5.    Basahin ang unang ginawa,suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na Buod.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Halimbawa ng Abstrak

            KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK                                                        Abstrak        Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos,...

Halimbawa ng Buod

BUOD: INSIDE OUT           Isang batang babae na pinangalanan Riley nagmula sa kanyang Midwestern na pamumuhay at gumagalaw sa abala at gulo sa San Francisco, ang kanyang mga damdamin; Galit, kalungkutan, pagkasuya, Takot, at (ang kanyang pinakamahalagang damdamin) Ang pagiging masaya, magsimula sa hindi pagsang-ayon sa kung paano harapin ang pagbabagong ito, na nagiging sanhi ng mga problema sa kulungan, at ang kanyang centro ng pamumuhay at kinaabaalahan para sa limang emosyon.         Si Riley, isang batang babae, at nasanay na sa buhay mula sa kanyang buhay sa Midwest nang kanyang ama at nakakakuha ng trabaho sa San Francisco. Kailangan niya ang kanyang emosyon upang gabayan siya sa pamamagitan ng kanyang pagpasok sa   bagong paaralan, mga bagong tao, at bagong buhay. Ngunit, ang isang aksidente na kinasasangkutan ng maligayang mga alaala ni Riley ay nagbabago sa kanyang buong pananaw. Kinakailangan...

Bionote

BIONOTE Ang Bionote ay isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan isang talata lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyunal. Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga tagumpay,pag-aaral,pagsasanay ng may akda. ·          Pananaliksik ·          Antolohiya ·          Pag apply sa Scholar ·          Pagdalo sa mga workshops ·          Journal ·          Blog at websites Dalawang Katangian ng Bionote/Tala ng may-akda                1.    Maikling tala ng may-akda ·          Ginagamit para sa journal at antolohiya ·          Ma...