Lumaktaw sa pangunahing content
Halimbawa ng isang Bionote sa pag aapply ng scholarship 

Ako si Christopher N. Postigo, isinilang sa bayan ng Goa sa Probinsya ng Camarines Sur noong dalawamput lima ng Septyembre taong 2000. Ako ay nag-aral ng Primarya sa Magsalay Elementary School, ako ay nagtapos ng may karangalan at ipinagpatuloy ko ang sekundarya sa Mataas na paaralan ng Tabgon at kalaunan ipinagpatuloy ko ang aking Junior High sa Mataas na paaralan ng San Rafael. Ako ay nagtapos ng may karangalan sa Junior High. Pinagpatuloy ko ang aking Senior High sa parehong paaralan na nagtamo ng mga karangalan. Marami rin akong sinalihang patimpalak noong ako ay nasa primary tulad ng MTAP,History Quiz Bee at DSPC, naging Presidente din ako ng SPG o Supreme Pupils Government noong nasa Elementarya at ako ay nagtapos ng Valedictorian sa aking klase. Sa sekundarya ay patuloy pa din akong nakikilahok sa iba’t ibang mga kumpitisyon katulad ng Quiz Bee na may unang parangal,Sabayang pagbigkas, at ako rin ay kabilang sa naparangalan ng “Outstanding Student of the Year” nakadalo rin ako ng iba’t ibang seminar tulad ng “Leadership S Team Building Training-Workshop for Student Leadership 2016” na ginanap sa SRNHS, “Seminar Workshop on Personality Development na ginanap sa SRNHS-SHS”, “Microsoft Office Computer Hardware Servicing and Adobe Photoshop CS5 2017 na ginanap sa SRNHS.
Ako si Maxine Bethamae M. Montilla,ako ay isinilang at lumaki sa Barangay San Isidro Sur,Lagonoy,Camarines Sur. Nagtapos ako ng elementarya sa paaralan ng Lagonoy Central School, ako ay nagkamit ng parangal na with honors sa nasabing paaralan, naging parte din ako ng “Banaag” ang Opisyal na pahayagan ng Lagonoy Central School bilang tagapagsulat ng Editoryal sa Kategoryang Filipino. Nanalo ako ng gantimpala bilang 1st placer sa District at Congressional Press Conference. Noong ako ay nasa Junior High School palamang ay nakapagdalo na ako ng mga seminar workshop tungkol sa social researches at nakapaglahok din ako sa patimpalak na debate at pagsasanay kung paano mas maging isang magaling na tagapagsalita. Ako sa kasalukuyan ay nasa ikalambing isang baitang ng San Rafael National High School na kumukuha ng Humanities and Social Sciences. Sa aking pag-aaral ay nakatanggap ako ng akademikong parangal na 1st honor sa aming seksyon. Nakapagdalo na din ako sa seminar workshop tungkol sa kung paano tahakin ang tamang landas tungo sa magandang kinabukasan. Sa aking pagtatapos sa Senior High School ay nais ko sanang mag apply ng scholarship sa inyong paaralan dahil dati pa lamang ay pinangarap ko nang makapag-aral sa inyong institusyon dahil alam kung maganda ang kalikadad ng edukasyon na inyong binibigay. Ako ay kukuha ng Kursong Political Science dahil balang araw ay gusto kong maging isang magaling na abogado na mag lilingkod sa ating bayan ng may pagmamahal sa aking propesyon at may pagmamalasakit sa mamamayang Pilipino. Kung sakali man na makatanggap ako ng scholarship ay buong puso ko itong tatangapin ng walang ano man hadlang at hinding-hindi ko ito sasayangin. Mag-aaral ako nang mabuti para makapagtapos ng pag-aaral.

Ako si Jean B. Flojo nais magkaroon ng libreng scholarship sa kadahilanang gustong makatulong sa aking mga magulang para mabawasan ang iba’t ibang gastusin sa aking pag-aaral, Ako po ay nakapagtapos ng Senior High School sa mataas na paaralan ng San Rafael sa bayan ng San Rafael,Tigaon,Camarines Sur. Nakapagtapos sa Larang ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa ilalim ng K+12 Kurikulum sa taon ng 2018-2019. Ako ay isang miyembro ng Youth Organization sa aming barangay. Nakatanggap ako ng mga parangal noong ako’y nasa Sekundarya pa lamang gaya ng sumali ako sa mga paligsahan gaya na lamang ng Disaster Risk Reduction and Management Quiz Bee,Science Quiz Bee Team Competition,Quiz Bee sa Filipino,at naging bahagi rin sa Tinatawag na Mentors ng paaralan kung saan ay nagtuturo sa mga Estudyante ng San Rafael National High School sa mga akademiko gaya ng Filipino,Matematika,Ingles,at Agham. Pinarangalan din ako ng Perfect Attendance at First Honor sa Boung semester sa taong 2016-2017. Sana po ay tanggapin niyo ang aking hiling na makasali sa scholarship na pwedeng makatulong sa aking pag-aaral. Maraming Salamat po. 


















Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Halimbawa ng Abstrak

            KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK                                                        Abstrak        Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos,...

Halimbawa ng Buod

BUOD: INSIDE OUT           Isang batang babae na pinangalanan Riley nagmula sa kanyang Midwestern na pamumuhay at gumagalaw sa abala at gulo sa San Francisco, ang kanyang mga damdamin; Galit, kalungkutan, pagkasuya, Takot, at (ang kanyang pinakamahalagang damdamin) Ang pagiging masaya, magsimula sa hindi pagsang-ayon sa kung paano harapin ang pagbabagong ito, na nagiging sanhi ng mga problema sa kulungan, at ang kanyang centro ng pamumuhay at kinaabaalahan para sa limang emosyon.         Si Riley, isang batang babae, at nasanay na sa buhay mula sa kanyang buhay sa Midwest nang kanyang ama at nakakakuha ng trabaho sa San Francisco. Kailangan niya ang kanyang emosyon upang gabayan siya sa pamamagitan ng kanyang pagpasok sa   bagong paaralan, mga bagong tao, at bagong buhay. Ngunit, ang isang aksidente na kinasasangkutan ng maligayang mga alaala ni Riley ay nagbabago sa kanyang buong pananaw. Kinakailangan...

Bionote

BIONOTE Ang Bionote ay isang maikling impormatibong sulatin (Karaniwan isang talata lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang indibwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyunal. Taglay nito ang pinakamaikling buod ng mga tagumpay,pag-aaral,pagsasanay ng may akda. ·          Pananaliksik ·          Antolohiya ·          Pag apply sa Scholar ·          Pagdalo sa mga workshops ·          Journal ·          Blog at websites Dalawang Katangian ng Bionote/Tala ng may-akda                1.    Maikling tala ng may-akda ·          Ginagamit para sa journal at antolohiya ·          Ma...