Adyenda- listahan, plano, o balangkas ng mga pag-uusapan,dedisyunan o gagawin sa isang pulong. Ito ay kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa indibwal. Ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat aksyunan o bigyan prayoridad tulad ng sosyo-ekonomiko ng Adyenda sa Pilipinas. Kahalagahan: 1. Katuturan at kaayusan ng daloy ng pulong. 2. Nalalaman din ang pag-uusapan at isyu. 3. Nabibigyan ng pagkakataon tantyahin ang oras. 4. Naiiwasan ang pagtalakay ng usaping wala sa adyenda. Mga Hakbang sa Pagsulat: · Magpadala ng isang memo na magkakaroon ng isang pulong sa tiyak na paksa. · Ilahad sa memo na kailangan nilang kumpirmahin kung sila’y dadalo at magpadala ng paksang nais bigyang pansin. · Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag lahat ng adyenda ay naliko...